Nung bata ako, never ako nag assume na maging lawyer, doctor, engineer, atbp. Wala, hindi ko siya iniinda. Naging bata ako, naglaro lang, nagsaya, naging maligaya. Nung mga panahon na iyon hindi ko talaga iniisip yung mga mithiin ko sa buhay.
Pero dahil sa andaming nagtatanong, at lagi akong pinipilit ng mga magulang at kamag anak ko kung ano ba yung panagarap ko maging, ang nasabi ko ay maging “ARCHEOLOGIST”. Gusto ko kasi dati yung mga Adventure movies, katulad ng mga Indiana Jones at mga Scooby Doo, kung saan nahahanap nila yung mga bagay na may question sa atin.
Pero pagdating ng panahon, kahit pinaniwala ko na ang sarili ko sa ganitong pangarap, para bang hindi ako masaya sa pinili kong course. Siguro kasi sinabihan ako ng tatay ko na, “BAKA MAGING SEPULTURERO KA NIYAN!”
So ayun, nagpatuloy parin ako na Archeologist ang gusto kong course, pero as time goes by, nawawala na rin yung hilig ko sa course na ito. Sa totoo lang, hindi ko pala natanong yung ganitong bahagi ng buhay ko. Hindi ko man lang nasabi sa tatay ko na, “Tay, gusto ko magreview para sa UPCAT or USTET EXAM ko”. Wala kasi akong kaalalam alam na may ganun palang mga ginagawa. Hindi ko rin nga alam na may deadline ang La Salle, Ateneo at UP. Nalaman ko na lang nung 4th year na ko.
At nung dumating na ang 4TH YEAR, doon na ko kailangang kumilos. Kailangan talaga ah. Lahat sila ang pinaguusapan, “Kamusta review mo?” o mga “Ano course mo? Nakapagpasa ka na? Samahan mo ko bukas ah!”…
Nataranta ako. Sobrang nataranta. Ano ba gagawin ko? Wala talaga akong maisip na course. Wala naman akong talent eh. Ano, hanngang CSA na lang ba ko? Ano ba talaga kaya kong gawin? Magiging masaya ba ko kapag ito trabaho ko habang buhay? Magiging masaya ba ko sa kolehiyo nito?
Tingnan mo ang pressure sa 4th year? Sobra sobra. Yung kala ko puro kasiyahan lang, yun pala kailangan mo ng ihanda sarili mo sa panahong ito. Nakakainis talaga.
Andami ko ring pinagiisipang course nung nag 4th year ako. Marketing, Business, IT, Computer Science, atbp. Pero isang beses, gumaling ako sa Accounting subject namin sa 4th year. Tuwang tuwa ako sa Accounting nun. Feeling ko piece of cake lang.
Ayun, ang napaghandaan ko lang eh UST. Yun lang nabigyan ko ng requirements at ang sinulat ko ay Accounting at Marketing.
At nung lumabas ang result, fail ako sa accounting at waiting list sa marketing.
Doon na ako nagtaka. Gusto ko ba talaga accounting? O napilitan lang ako kasi sa sobrang pressure?
Hindi na rin ako pinayagan sa UST. Ayaw pala ng tatay ko na nasa Maynila ako. Ayun, nawalan ako ng pag asa…
Matagal na pala ito. Nakalagay sa Drafts ko. Hindi ko man lang natuloy.
Ako po ay magaaral ng BA Communication and Media Studies sa SBCA. Alamin niyo na lang kung saan iyan. Kakagulat no? Communication na pala gusto ko, hindi ko man lang alam. At least nalaman ko kung ano ba talaga pangarap ko nung lumipas na ang 4th year. Malalaman niyo rin ang mga pangarap niyo. Just keep on believing in yourself. :)


